have you ever felt the same way im feelin' rigth now???
Sabi nila pag nagmamahal ka, kailangan magtira ka ng kahit kaunti para s sarili mo, yun din ang madalas kong ipayo sa mga kaibigan ko. Hay buhay! napaka galing ko magpayo, pero ako mismo sa sarili ko di ko magawa. Bakit ba may mga taong sobrang magmahal at may mga tao ring di mu maiwasang mahalin.
Bakit ba may mga taong handang mamatay para sa kanilang minamahal at may mga tao ring handang may mamatay para sa kanilang pagmamahal.
Bakit ba may mga taong bigay ng bigay para sa kanilang minamahal at may mga tao ring tanggap ng tanggap mula sa kanilang nagmamahal.
Bakit may mga taong nasasaktan dahil sa pagmamahal at may mga tao ring manhid sa pagmamahal.
Sa araw araw na lang na ginagawa ko sa buhay, di ko maiwasang maghanap ng mga magkasintahan na sabay umaalis at umuuwi, papasok, mag de date, kakain etc... madalas kong isipin panu kaya sila maglambingan? panu kaya sila mag away? sinu sa kanila ang mapagbigay? sinu kaya sa kanila ang mas higit na may pagmamahal sa bawat isa? Panu sila magkaka ayaan ng kasal? Kagaya ko rin ba sila???
Hindi ko alam kase kung meron mang pagkakatulad ang mga tao un ay ang ating pagkaka iba iba...
Magulo nga! Nakakalito! Nakakahilo!
Kaya kung nalito at nahilo ka, pareho lang tayo... hehe
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento