Nakakamiss talaga si Anna Larrucea... Anna Larrucea Nasaan ka???
Tandang tanda ko pa nung labintatlong taong gulang pa lang ako ng mapanood ko sa isang weekly anthology drama ang kwento ng dalawang batang nagkaibigan sa kanilang napakamurang edad pa lamang... Talagang napaka amo ng mukha ng bidang batang babae at napakacute naman ng bidang batang lalake... Nung una pinangarap ko na ako na lang sana ung batang babae sa palabas na un kase talagang ma iinlab ka sa istorya at ang lalake talagang nakakakilig gumanap... Simula nuon hindi na sila mawala sa aking isipan, isang araw guest sila sa isang afternoon variety show at kasunod nuon may ipinakitang trailer ng isang bagong palabas sa sinehan, nang makita ko sinabi ko agad: "hala may pelikula na sila agad!!!" napakainosenteng pagkagulat, wala pa akong alam nuon kung paano ginagawa ang isang pelikula, ang buong akala ko, may nakapanuod lang ng kanilang tandem sa telebisyon kaya inalok sila na gumawa ng ganung pelikula, un pala parte un ng kanilang promotion. Sadyang nakakatawa di ba?
Inabangan ko na maipalabas sa sinehan un... bago pa man sya maipalabas, nabalitaan ko na tutol ang mga mamumuno ng pelikula na maipalabas un sa mga sinehan dahil hindi raw ito nagbibigay ng magandang halimbawa para sa mga bata... Bagamat tinutulan, naipalabas pa rin, napakaswerte ko kase sakto ang aking edad, Rated PG 13 ang rating!
Bago un, una kong napanuod si Anna Larrucea sa Batang X, nung april 1995. Kasama ng aking Mama at ng aking mga kapatid, duon pa lang napansin ko na agad ang kakaibang dating ni Anna sa akin, tuwang tuwa aq kase Katrina De La Paz aka 3na ang role name nia duon, magkapangalan kami! Hindi ko alam pero mukhang may kaugnayan, sobrang OA ko anu??? at simula nun ako na si 3na!
Dumating na ang araw at ipinalabas na sa sinehan ang Baby Love, dalawa lang kami ng ate ko na nanuod , habang pinapanuod sobrang nadadala ako sa mga eksena. Sobrang in love ako paglabas ng sinehan, kahit hanggang sa pagtulog hindi talaga nawawala sa isip ko. Andrea Palanca at Ira Martinez, Andie at Ira, hanggang ngaun nasa puso ko pa rin ang mga character na un...
Hindi ko alam pero nag umpisa na akong kalkalin lahat ng mga luma naming dyaryo at magazine, pati sa mga kapitbahay namin, lahat ng may mga 1995 na date kinalkal ko, kahit 1994 kinalkal ko. Pakiramdam ko pumasok sa kaluluwa ko ang character ni Andie pinangarap ko na ibigin ako ni Jason Salcedo ni Ira Martinez. Pero ang hindi ko namamalayan unti unti ko ng nagugustuhan si Anna Larrucea, habang ginugupit ko ang kanilang mga litrato, habang tinititigan ko ang mga larawan ni Anna may iba akong nararamdaman, hindi ko alam pero hindi ko talaga maipaliwanag kung anu ba ung nararamdaman ko, basta kakaibang feeling. Napansin ko ung kilay nya, napakaganda nya, napansin ko ung nunal nya sa kaliwang pisngi, ang ganda, ung ilong nya, ung mga labi, ung hugis ng mukha nya, ung buhok nya, ung pananamit nya, ung pagsasalita nya... basta lahat lahat sa kanya maganda, napaka perfect ng tingin ko sa kanya. Pag may palabas sa TV at nandun xa inaabangan ko, ung kabog ng dibdib ko kakaiba sa tuwing mapapanuod ko xa, kahit mga commercials nya inaabangan ko, naiinis ako sa sarili ko kapag may mga palabas sya na napapalampas ko, sobrang naiiyak talaga ako. Tinanung ko nga ang sarili ko, bat ganun ung pakiramdam ko sa kanya, sinubukan kong tumingin sa ibang artista pero wala akong maramdaman sa kanila na tulad ng nararamdaman ko kay Anna.
Wala akong naging ibang bukam bibig kundi si Anna Larrucea, walang taong hindi ko nakikilala na maibida ko si Anna sa kanila. Busy ako, sisigaw ung mga kapatid ko, Si Anna!!! takbo agad ako maabutan ko lang xa... ginawa nilang threat si Anna sa akin, anjan ung may ipagagawa sila sa akin kapalit nun si Anna, ung tipo bang hindi nila sasabihin kung saan may tv appearance si Anna, kelangan gawin ko muna ung pinapagawa nila, naging utu uto ako nun para lang kay Anna. Pag nag aaway kami ng ate ko ang gagantihan nya pictures ni Anna, kahit punit punit na pilit ko pa ring bubuuin ung mga pictures nya na sinira ng ate ko at umiiyak ako habang binubuo ko un. Kahit sa school kilala ako bilang si Anna, napagalitan ako ng mama ko isang beses kase nakita nya ung ID ko AL ang pirma ko, anu daw un alulong??? galit na galit xa sa akin idolatry na raw ung ginagawa ko, baket pag nagkita ba raw kami ni Anna tingin ko ba raw papansinin nya ako... sobra akong nasaktan nun sa sinabi ng mama ko, kase naisip ko baka tama sya. Pero hanggang ngaun sa totoo lang hindi ko pa talaga nakikita ng personal si Anna, hanggang pangarap na lang siguro un... Naaalala ko pa nun lagi aqng may dalang picture ni Anna sa wallet ko kase nagbabakasakali ako na magkasalubungan kami sa daan at makapag pa autograph ako sa kanya, may ginawa rin aqng Dear Anna na diary lahat nga mga napapanuod ko, lahat ng mga nangyayari na may kinalaman kay Anna nakasulat duon... hahaha, nakakatawa ako diba... tuwing huwebes naka schedule ako bumili ng magazine baka sakaling nandun si Anna, kahit maliit na detalye tungkol kay Anna bibilhin ko, may portion na balitaktakan ng mga fans sumulat ako, nakipag away ako dun sa sulat para lang kay Anna, inaway ko ang mga detractors nya... Un nga lang wala talaga akong pagkakataon na puntahan si Anna sa mga mall shows nila at mga fans day dahil hindi ako pinapayagan ng mama ko, nung time na un takot pa akong pumunta sa mga malalayong lugar lalo nat walang kasamang matanda.
Sa ngaun sobrang nanghihinayang ako sa kanya, sobrang hinahanap ko sya, nasaan na kaya sya, ilang beses ko syang inadd sa friendster at facebook, ni wala akong natatanggap na response mula sa kanya...
Sana ayus lang sya ngaun, sana nakamit na nya ang mga pangarap nya, at sana napanatili nya pa ring maganda at maayos ang pangangatawan nya... Dahil napakarami pa rin naming umaasa na makita syang muli... lalo pang nadagdagan ang mga humahanga sa kanya simula ng mapanuod nila ang Baby Love nung isang araw sa cinema one... Kaya Anna we are still here for you, you are still The Best for us and u will be Always and Forever in our Heart!!!Thats the Total Truth!!!
ate kat i salute you! anna nasan kn nga b? napaginipan kita kagabi, nagkita dw tau! tuwang tuwa ako! kc un ang tanging pangarap ko mula nung 10yrs. old ako!!! ngaun 27 nko, d prin kita nakikita! pero kaw prin ns puso hanggang ngaun!
TumugonBurahinhahaha... kakatuwa ka naman Rem... Hay mukhang hanggang sa panaginip na nga lang talaga ung pangarap natin na makita si Anna Larrucea... haaaayyyyy...
TumugonBurahinhahaha... yup, ang ganda ng movie na baby love, napanuod ko lang knina sa cinema one..
TumugonBurahincute ng batang babae, c andie..
crush ko na xa.. hehe
hahahha lagi kong nakikita si anna,kaya lang hndi na sya ganun kaganda sobrang laki ng pinag bago niya. Nakaka dismaya tignan ngunit wala tayong magagawa. Alam ko kung san siya nakatira kapitbahay ko siya sa isang condo sa manila. yun lang basta ako gusto ko siya nung bata lalo na sa baby love.hehe
TumugonBurahinHahaha...nakakatuwa naman 'to... crush ko din si Anna Larrucea nung 8 years old pa ako... hehehe... pero hanggang crush lang..hindi ganyan katindi...I wish na sana magkita kayo...hehehe...:D
TumugonBurahinI just read this news on Yahoo about her before i stumbled on your blog :) http://ph.omg.yahoo.com/photos/baby-love-star-anna-larrucea-ties-the-knot-slideshow/
TumugonBurahinSana makita ko na si Anna larrucea sobrang ganda tlaga ng mga ginawa nyang pelikula lalo na yung magic temple ay naiyak ako kase sobrang Ganda tlaga at nakakaantig ng damdamin sila Yasmin at sambag na gagawin lahat ni sambag para lang mapasaya nya so Yasmin kahit alam nito na multo na yung taong minamahal nya :-)
TumugonBurahinSana makita ko na si Anna larrucea 6 years ko na po syang inaantay 17 years old na nga po ako ngayon eh sana po tlaga makita ko na po siya :-)
TumugonBurahin